American anti-war organization: mahigit 40 bomba at missile, inihahagis ng Amerika at mga kaalyadong bansa kada araw

2021-03-08 10:34:34  CMG
Share with:

Ayon sa ulat na ipinalabas kamakailan ng “Code Pink,” American anti-war organization, nitong 20 taong nakalipas, walang humpay na binobomba ng Amerika at mga kaalyado nito ang  ibang bansa, at mahigit 40 bomba at missile ang kanilang inihahagis bawat araw.

 

Anang ulat, sapul noong taong 2001, mga 326 libong bomba at missile ang inihagis ng Amerika at mga kaalyadong bansa nito.

 

Ang Iraq, Syria, Afghanistan, at Yemen ang mga bansang pinakagrabeng tinamaan ng pananalakay.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method