Isyu ng pabahay sa Hong Kong, dapat lutasin

2021-03-08 11:17:29  CMG
Share with:

 

Sa sesyong plenaryong idinaos kahapon, Linggo, ika-7 ng Marso 2021, ng delegasyon ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) sa pagtitipon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), sinabi ni Pangalawang Premyer Han Zheng ng Tsina, na dapat lutasin ang isyu ng pabahay sa Hong Kong.

 

Hiniling niya sa mga mambabatas ng Legislative Council ng Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR), na pahalagahan ang kapakanan ng mga residente sa Hong Kong, at buuin sa lalong madaling panahon ang komong palagay sa naturang isyu.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method