Palagay ng iba't ibang sektor ng Hong Kong, lubos na pinakinggan ng sentral na pamahalaan

2021-03-08 11:15:43  CMG
Share with:

 

Sa sesyong plenaryong idinaos kahapon, Linggo, ika-7 ng Marso 2021, ng delegasyon ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) sa pagtitipon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), sinabi ni Pangalawang Premyer Han Zheng ng Tsina, na lubos na pinakinggan ng sentral na pamahalaanang palagay ng iba't ibang sektor ng Hong Kong, lalung-lalo na ng mga opisyal ng HKSAR, sa pagbalangkas ng batas hinggil sa pambansang seguridad at pagpapabuti ng sistemang panghalalan ng Hong Kong.

 

Sinabi rin ni Han, na buong ingat ang sentral na pamahalaan sa naturang dalawang suliranin.

 

Hinggil sa usaping ito, paunang isinagawa ang malalimang pag-aaral at komprehensibong pag-aanalisa, dagdag niya.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method