Noong Mayo 2, 2018, sa kanyang talumpati sa talakayan ng mga guro at estudyante ng Peking University, sinipi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang klasikong kasabihang “Even the shortest journey can’t be finished without taking the first step. Even the most trivial task can’t be completed without taking actions.”
Ang kasabihang ito ay nagmula sa “Xunzi – Cultivating Oneself” na nangangahulugang bagama’t napakalapit ng destinasyon, kailangan ang unti-unting pagsulong para makarating sa destinasyon; bagama’t napakaliit ng misyon, dapat umaksyon ang tao para matamo ang tagumpay.
Ibig sabihin, kung hindi tayo kikilos at wala tayong gagawin sa buong araw, imposibleng maabot ang minimithing hangarin.
Ani Xi, ang layunin ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ay maglingkod sa mga mamamayan, at dapat kumilos ang buong partido tungo sa pagkakaroon ng maligaya at magandang pamumuhay ng mga mamamayan.
Sa prosesong ito, dapat isagawa ang matatag at maraming gawain upang maisakatuparan ang hangarin, ani Xi.
Salin: Lito
Pulido: Rhio