Mga bantog na personaheng pandaigdig, tutol sa ban ng British authority sa CGTN

2021-03-10 11:00:28  CMG
Share with:

Ipinalabas Martes, Marso 9, 2021, sa pahayagang “Morning Star” ng Britanya at opisyal na website ng “No Cold War” ng maraming bantog na personaheng pandaigdig ang bukas at may pangalang liham na pinamagatang “Pagtutol sa pagbabawal ng Office of Communications (Ofcom) sa CGTN, pagtatanggol sa kalayaan ng pagsasalita,” kung saan hinimok ang awtoridad ng Britanya na pawalang-bisa ang pagbabawal sa pagsasahimpapawid ng CGTN, himpilan ng telebisyon ng Tsina sa wikang Ingles.

Mga bantog na personaheng pandaigdig, tutol sa ban ng British authority sa CGTN_fororder_20210310CGTN1500

Anila, ang pagbabawal sa CGTN ay kilos na tumataliwas sa kapakanan ng Britanya at mga mamamayan nito.

Mga bantog na personaheng pandaigdig, tutol sa ban ng British authority sa CGTN_fororder_20210310CGTN2550

Samantala, ipinaabot din ng mga politikong Britaniko ang kanilang pagtutol sa nasabing kapasiyahan.

 

Nauna rito, ipinahayag ng Ofcom noong Pebrero 4 na pinawalang-bisa na nito ang lisensya ng CGTN sa pagsasahimapapwid sa Britanya.

 

Noong Pebrero 5, ipinahayag ng CGTN ang kalungkutan at matinding pagtutol sa kapasiyahang ito.

 

Kaugnay nito, inilahad nang araw ring iyon ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina ang buong tinding pagtutol sa nasabing hakbang.

 

Kabilang sa nasabing mga bantog na personaheng pandaigdig ay sina John Pilger, prize winning journalist; Oliver Stone, three-time Oscar winning director, producer at screenwriter; Tariq Ali, writer, filmmaker at miyembro ng New Left Review Editorial Board; Kerry-Anne Mendoza, Editor ng Canary; Ben Chacko, Editor ng Morning Star; Vijay Prashad, Chief Correspondent ng Globetrotter; at iba pa.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method