Sa regular na preskon kaugnay ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na idinaos Marso 15, 2021, ng World Health Organization (WHO), ipinahayag ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng WHO, na pansamantalang itinigil ang pagbabakuna ng AstraZeneca sa ilang bansa.
Iniulat nauna rito ng ilang media na, nagkaroon ng blood clot ang ilang tao na tinurukan mula sa dalawang batch ng AstraZeneca sa Europa.
Sa kasalukuyan, sinusuri ng Global Advisory Committee on Vaccine Safety (GACVS) ng WHO ang data ng bakuna ng AstraZeneca, at patuloy ang mahigpit na pakikipag-ugnayan sa European Medicines Agency (EMA).
Tinatalakay nila ang isyung ito ngayong araw, Marso 16, 2021.
Salin:Sarah
Pulido:Mac