Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono nitong Martes ng gabi, Marso 16, 2021 kay Punong Ministro Keith Rowley ng Trinidad and Tobago, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na sapul nang sumiklab ang pandemiya ng COVID-19, ang Trinidad and Tobago ay unang bansa sa rehiyong Latin America at Caribbean na nag-abuloy ng medikal na materiyal sa Tsina.
Ipinahayag ni Xi ang kahandaan ng Tsina na palalimin ang tradisyonal na pagkakaibigan sa Trinidad and Tobago para mapasulong pa ang komprehensibing partnership ng dalawang bansa.
Ipinaabot naman ni Rowley ang kanyang mainit na pagbati sa Ika-100 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Matatag aniyang nananangan ang kanyang bansa sa patakarang “Isang Tsina,” at palalakasin ang pakikipagkooperasyon sa Tsina sa iba’t-ibang larangan.
Salin: Lito
Pulido: Mac