Pangulong Tsina, nagpahayag ng pagbati sa Ika-100 Kaarawan ng 'Father of the Nation' ng Bangladesh at Ika-50 Anibersaryo ng Pagsasarili ng bansa

2021-03-18 10:55:47  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati Marso 17, 2021 sa Pagdiriwang ng Ika-100 Kaarawan ni Sheikh Mujibur Rahman, 'Father of the Nation'ng Bangladesh, at Ika-50 Anibersaryo ng Pagsasarili ng bansa, ipinaabot ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagbati, sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino kina Pangulong Abdul Hamid, at Punong Ministro Sheikh Hasina ng Bangladesh, at pamahalaan at mga mamamayan ng bansa.

Pangulong Tsina, nagpahayag ng pagbati sa Ika-100 Kaarawan ng “Father of the Nation” ng Bangladesh at Ika-50 Anibersaryo ng Pagsasarili ng bansa_fororder_vip

Binigyan-diin ni Xi na, nitong 50 taong nakalipas, sapul nang itatag ni Ginoong Sheikh Mujibur Rahman ang Bangladesh, natamo ng bansa ang kahanga-hangang bunga.

 

Tinukoy rin ni Xi na, nitong 46 na taong nakalipas, sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Bangladesh, palagiang naggagalangan at nagtutulungan ang dalawang panig.

 

Sa kasalukuyan, nasa masusing yugto ang pag-unlad ng Tsina at Bangladesh at ang aktuwal na kooperasyon ay nagdulot ng benepisyo para sa mga mamamayan ng kapuwa panig, dagdag ni Xi.

 

Pahayag pa ng pangulong Tsino, sa harap ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), nagtutulungan ang Tsina at Bangladesh.

 

Binigyan-diin ni Xi na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Bangladesh.

 

Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Bangladesh, para palakasin ang pag-uugnay ng estratehiya ng pag-unlad ng dalawang bansa, at magkasamang pasulungin ang 'Belt and Road Initiative (BRI),' upang pasulungin ang estratehikong partnership ng dalawang bansa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

 

Please select the login method