Mensaheng pambati para sa Ika-50 Anibersaryo ng pagkakatatag ng Relasyong Diplomatiko ng Tsina at Kuwait, ipinaabot sa isa’t isa ng mga lider ng dalawang bansa

2021-03-22 15:19:52  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagdiriwang ng Ika-50 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Relasyong Diplomatiko ng Tsina at Kuwait, ipina-abot sa isa’t-isa nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at Nawaf Al-Ahmad Al-Jaber Al-Sabah, Emir ng Kuwait ang mensaheng pambati.

Mensaheng pambati para sa Ika-50 Anibersaryo ng pagkakatatag ng Relasyong Diplomatiko ng Tsina at Kuwait, ipinaabot sa isa’t isa ng mga lider ng dalawang bansa_fororder_vip

Sa kanyang mensahe, tinukoy ni Xi na makaraang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Kuwait, nananatiling malakas ang pagkakaibigan ng dalawang bansa, at mabunga ang kooperasyon ng dalawang panig sa iba’t ibang larangan.

 

Ani Xi, nakahanda ang Tsina na patuloy na magsikap, kasama ng Kuwait, para samantalahin ang pagkakataon ng Ika-50 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Relasyong Diplomatiko ng Tsina at Kuwait, at palalimin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa loob ng framework ng “Belt and Road Initiative (BRI),” para magdulot ng benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.

 

Samantala, ipinahayag ni Nawaf na matibay ang relasyon ng Kuwait at Tsina, at walang humpay na pinapaunlad at pinapalalim ang relasyong ito.

 

Inaasahan aniya ng Kuwait na lalo pang lalakas ang bilateral na relasyon para pataasin at palawakin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba’t ibang larangan.

 

Bukod dito, ipinadala nang araw rin iyon, nina Premiyer Li Keqiang ng Tsina at Sabah Al-Khalid Al-Sabah, Punong Ministro ng Kuwait ang mensaheng pambati sa isa’t isa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method