Sakay ng Philippine Airlines Boeing 777, dumating ngayong araw, Marso 24, 2021 ng Ninoy Aquino International Airport, sa Manila ang karagdagang 400 libong dosis ng bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na gawa ng Sinovac at donasyon ng Tsina sa Pilipinas.
Sinalubong nina Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas at Francisco Duque III, Kalihim ng Kalusugan ng Pilipinas ang nasabing mga bakuna.
Sa pahayag, sinabi ni Duque, na sa gitna ng walang tigil na pagtaas ng bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, napapanahon ang pagdating ng mga bakunang kaloob ng Tsina.
Salin: Lito
Pulido: Rhio