Pagbomba ng NATO sa Yugoslavia noong 1999, dapat panagutan

2021-03-27 17:18:24  CMG
Share with:

Pagbomba ng NATO sa Yugoslavia noong 1999, dapat panagutan_fororder_165272147_4239023379460849_1553382825923733060_n

 

Kaugnay ng paggunita nitong Marso 24 ng Serbia sa ala-ala ng mga nabiktima ng pambobomba ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) sa Yugoslavia noong 1999, sinabi kahapon, Biyernes, ika-26 ng Marso 2021, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na habang ipinagdadalamhati ang nabanggit na mga nasawi na kinabibilangan ng tatlong mamamahayag na Tsino na nakatalaga sa Yugoslavia noong panahong iyon, dapat pag-isipan din ng iba't ibang bansa kung bakit naganap ang ganitong mga pag-atake, nang walang pahintulot ng United Nations, sa mga soberanong bansa, hindi lamang sa Yugoslavia, kundi pati na rin sa Iraq, Libya, Syria, at iba pa, at pagpatay ng daan-daang libong inosenteng sibilyan.

 

Dagdag niya, sa mga pangyayaring ito, nasaan ba ang karapatang pantao, mga tuntuning pandaigdig, at pananagutan na paulit-ulit na pinag-uusapan ng mga bansang kanluranin.

 

Sinabi rin ni Hua, na ang kapayapaan at kaunlaran ay kasalukuyang tunguhin ng daigdig. Dapat aniyang buksan ang palad ng iba't ibang bansa bilang sagisag ng pagkontra sa karahasan, at makipag-kamay para sa kapayapaan.

 

Sa may kinalamang ulat, ayon sa hiwalay na mga pag-iimbestiga at pag-aaral ng Serbia at Italya, dahil sa paggamit ng NATO ng may radiation na mga depleted uranium bomb sa pagbomba sa Yugoslavia noong 1999, mabilis na lumaki ang bilang ng mga may-sakit ng kanser sa Serbia, na ang karaniwang bilang ng mga namatay sa kanser mula taong 2001 hanggang sa kasalukuyan ay nagdoble kaysa bilang mula 1981 hanggang 1999, at nagkakanser din ang ilang libong sundalong Italyanong kalahok sa naturang misyon.

 

Pero, dahil itinatanggi ng NATO ang direktang pagkasangkot sa paggamit ng depleted uranium bomb sa paglaki ng kaso ng kanser, nahihirapan ang Serbia at Italya na kamtin ang hustisya para rito.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method