Ayon sa hiwalay na mga pag-iimbestiga at pag-aaral ng Serbia at Italya, dahil sa paggamit ng NATO ng may radiation na mga depleted uranium bomb sa pagbomba sa Yugoslavia noong 1999, mabilis na lumaki ang bilang ng mga may-sakit ng kanser sa Serbia, na ang karaniwang bilang ng mga namatay sa kanser mula taong 2001 hanggang sa kasalukuyan ay nagdoble kaysa bilang mula 1981 hanggang 1999, at nagkakanser din ang ilang libong sundalong Italyanong kalahok sa naturang misyon.
Pero, dahil itinatanggi ng NATO ang direktang pagkasangkot sa paggamit ng depleted uranium bomb sa paglaki ng kaso ng kanser, nahihirapan ang Serbia at Italya na kamtin ang hustisya para rito.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos