Dumating nitong Sabado, Marso 27, 2021, sa Tashkentm kabisera ng Uzbekistan, ang unang pangkat ng bakunang Tsino kontra sa COVID-19 na ibinili ng pamahalaan ng nasabing bansa. .
Kabilang sa mga opisyal ng Tsina at Uzbekistan sa sumalubong sa mga bakuna ay sina Jiang Yan, Embahador ng Tsina sa Uzbekistan; at Alisher Shodmonov, Ministro ng Kalusugan ng Uzbekistan.
Ipinahayag ni Jiang na sapul nang pumutok ang pandemiya ng COVID-19, nagkakapit-bisig at nagtutulungan ang Tsina at Uzbekistan, at mayroong mayaman na kooperasyon ang dalawang panig sa pakikibaka laban sa pandemiya na kinabibilangan ng kooperasyon sa bakuna.
Diin pa niya, nakahanda ang panig Tsino na patuloy na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa Uzbekistan para mapagtagumpayan ang pandemiya sa lalong madaling panahon.
Salin: Lito
Pulido: Rhio