Tsina, nagkakaloob ng tulong na bakuna sa 80 bansa at 3 organisasyong pandaigdig

2021-03-31 09:58:01  CMG
Share with:

Ipinahayag sa Beijing nitong Martes, Marso 30, 2021 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na kasalukuyang ipinagkakaloob ng Tsina ang tulong na bakuna sa 80 bansa at 3 organisasyong pandaigdig.

 

Sa pamamagitan ng matapat na pagsisikap ng Tsina aniya, magkakaroon ng mas maraming kompiyansa at pag-asa sa pagkakaisa at pagtutulungan ng buong daigdig sa pakikibaka laban sa pandemya ng COVID-19.

 

Ipinagdiinan din niya na natutuklasan na ang maraming uri ng bakuna sa buong mundo. Tinututulan ng panig Tsino ang mga walang-moralidad at iresponsableng kilos na gaya ng “vaccine racism” at paglikha ng “immunity gap.”  


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method