FM ng Tsina at Singapore: pag-unlad ng ASEAN, magkakasamang pasusulungin

2021-04-01 15:14:32  CMG
Share with:

Sa pag-uusap nina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at kanyang counterpart na si Vivian Balakrishnan ng Singapore, Marso 31, 2021, sa lunsod Nanping, lalawigang Fujian, dakong timogsilangan ng Tsina, ipinahayag ni Wang na dapat palakasin ng Tsina at Singapore ang pagpapalitan sa mataas na antas, at magkasamang magsikap para pataasin ang relasyon ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

FM ng Tsina at Singapore: pag-unlad ng ASEAN, magkakasamang pasusulungin_fororder_wangyi03

FM ng Tsina at Singapore: pag-unlad ng ASEAN, magkakasamang pasusulungin_fororder_wangyi02

Buong tatag aniyang sinusuportahan ng Tsina ang kooperasyong panrehiyon na ang sentro ay ASEAN, at isusulong ang pagpapabilis ng pagtatatag ng komunidad ng Silangang Asya.

 

Kaugnay ng isyu ng Myanmar, sinabi ni Wang na suportado ng Tsina ang hakbang ng ASEAN sa pagpapahupa ng tensyon sa bansang ito, sa pamamagitan ng sariling paraan.

 

Samantala, ipinaabot naman ni Balakrishnan ang pagbati sa Ika-100 Anibersaryo ng pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).

 

Mataas niyang pinahahalagahan ang kahanga-hangang bungang natamo ng Tsina, at pinapurihan ang tagumpay ng bansa sa paghulagpos ng ganap na karalitaan.

 

Aniya pa, nakahanda ang Singapore na pataasin ang lebel ng koopersyon ng Tsina at ASEAN.

 

Kaugnay ng Myanmar, inaasahan aniya ng Singapore na matitigil ang karahansan at malulutas ang pagkakaiba sa pamamagitan ng diyalogo.

 

Bukod dito, nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig kaugnay ng mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapuwa nila pinahahalagahan.

FM ng Tsina at Singapore: pag-unlad ng ASEAN, magkakasamang pasusulungin_fororder_wangyi01

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method