Natapos kahapon, Biyernes, ika-2 ng Abril 2021, ang 3-araw na biyahe sa Xinjiang ni Pangkalahatang Kalihim Vladimir Norov ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) at mga diplomatang nakatalaga sa Tsina mula sa 21 bansang gaya ng Rusya, Pakistan, Iran, Armenia, Nepal, Moldova, at iba pa.
Bumisita ang naturang mga opisyal sa Urumqi, Kashgar at Aksu ng Xinjiang.
Pagkaraan ng pagbisita, binigyan nila ng positibong pagtasa ang mga natamong bunga ng Xinjiang sa pagpapaunlad ng kabuhayan, pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, konstruksyong ekolohikal, paggarantiya sa kalayaan sa pananampalatayang panrelihiyon, at paglaban sa terorismo at ekstrimismo.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos