Unang pangkat ng bakunang binili ng Jordan mula Tsina, dumating na ng Amman

2021-04-05 11:11:47  CMG
Share with:

Dumating nitong Linggo gabi, Abril 4, 2021, sa  Amman, kabisera ng Jordan ang unang pangkat ng bakunang gawa ng Sinopharm ng Tsina kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19)  na binili ng nasabing bansa.

 

Sinimulan noong Enero 13 ng Jordan ang kampanya ng pagbabakuna sa buong bansa, at posibleng libreng mabakunahan ang lahat ng mamamayan nito.

 

Ayon sa datos na isinapubliko ng panig opisyal ng Jordan nitong Linggo, mahigit 325 libong mamamayan ay naturukan na ng unang bahagi ng iniksyon, samantalang halos 115 libo naman ang nakatanggap na ng ikalawang bahagi iniksyon.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method