Tinanggap, Abril 6, 2021 ni Aleksandar Vucic, Pangulo ng Serbiya ang unang dosis ng bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na gawa ng Tsina.
Matapos ang pag-iniksyon, pinasalamatan ni Vucic ang Tsina sa pamamagitan ng social media.
Aniya, mabuti ang bakunang gawa ng Tsina, at rekomendado niya ito sa mga mamamayan ng Serbiya.
Inaasahan aniya ng Serbiya ang mas mahigpit na pakikipagkooperasyon sa Tsina sa larangan ng bio-teknolohiya.
Ayon sa datos na isinahimpapawid mula sa Istasyon ng Telebisyon at Radyo ng Serbiya noong Abril 6, 2,593,838 dosis na ng bakuna ang nagamit sa bansa.
Samantala, dumating Abril 5, 2021, ng Belgrade, punong lunsod ng nasabing bansa ang ika-4 na pangkat ng bakunang gawa ng Tsina.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio