Mensaheng pambati ipinadal ni Wang Yang kay Sinlavong Khoutphaythoune sa kanyang panunungkulan bilang Presidente ng Komite Sentral ng LFNC

2021-04-07 15:25:34  CMG
Share with:

Ipinadala nitong Martes, Abril 6, 2021 ni Wang Yang, Tagapangulo ng Chinese People's Political Consultative Conference (CPPCC), ang mensahe kay Sinlavong Khoutphaythoune bilang pagbati sa kanyang panunungkulan bilang Preisdente ng Komite Sentral ng Lao Front for National Construction (LFNC).

 

Sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng dalawang bansa, sinabi ni Wang na nitong 60 taong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Laos, walang humpay na umuunlad ang relasyong Sino-Lao.

 

Aniya pa, patuloy na lumalalim ang pagpapalitan at pagtutulungan sa pagitan ng CPPCC at LFNC.

 

Nakahanda si Wang na magsikap kasama ni Sinlavong Khoutphaythoune upang makapagbigay ng bagong ambag sa pagpapalalim ng tradisyonal na pagkakaibigang Sino-Lao, at pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng dalawang bansa.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method