Bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Tsina, dumating ng Somalia

2021-04-12 16:30:54  CMG
Share with:

Dumating Abril 11, 2021 ng Mogadishu, punong lunsod ng Somalia, ang bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na gawa ng Tsina,

Bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Tsina, dumating ng Somalia_fororder_somalia

Sa seremonya ng pagsalubong, sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayan ng Somalia, pinasalamatan ni Fowsiya Nur, Ministro ng Kalusugan ng naturang bansa, ang tulong ng Tsina.

 

Aniya, ang Tsina ay ang kauna-unahang bansa na nagkaloob ng bakuna sa Somalia.

 

Bukod dito, ipinahayag ni Osman Dubbe, Ministro ng Impormasyon ng Somalia, na mabuting magkaibigan ang Tsina at Somalia, at ang pagdating ng bakuna ay tiyak na magpapasulong sa kampanya ng bansa laban sa COVID-19.

 

Smanatala, ipinahayag ni Qin Jian, Embahador ng Tsina sa Somalia, na ang pagkakaloob ng mga bakuna ay lubos na nagpakita ng malalim ng pagkakaibigan ng dalawang bansa; at ang aksyon ng Tsina ay nagbigay ng ambag para sa pagpapasulong ng pantay na pagbabahagi ng bakuna sa buong daigdig.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method