Ipinatawag nitong Martes, Abril 13, 2021 ng Ministring Panlabas ng Timog Korea si Koichi Aiboshi, Embahador ng Hapon sa Seoul, para iharap ang solemnang protesta sa kapasiyahan ng Hapon na itapon sa dagat ang radioactive wastewater ng Fukushima Daiichi nuclear power plant.
Ayon sa impormasyong inilabas ng nasabing ministry, ipinaabot ni Choi Jong-moon, 2nd Vice Minister of Foreign Affairs ng Timog Korea, kay Aiboshi ang paninindigan ng kanyang pamahalaan na kinabibilangan ng pagkakaloob ng mga maliwanag na impormasyong may kinalaman sa pagtatapon ng nuclear wastewater, at pagsunod sa kaukulang pamantayan ng kapaligiran na katanggap-tanggap para sa komunidad ng daigdig. Ipinagdiinan din niyang kailangang sumali rito ang komunidad ng daigdig, upang igarantiya ang pagiging obdyektibo ng pamantayan ng pagsusuri.
Salin: Vera
Pulido: Mac