Nitong ilang araw na nakalipas, ang kapasiyahan ng pamahalaan ng Hapon na itapon sa dagat ang radioactive wastewater ng Fukushima Daiichi nuclear power plant ay naging mainit na paksa.
Ang desisyong ito ay hindi lamang tinututulan ng maraming tao sa loob ng Hapon, kundi nagresulta rin ng pagkabahala o pagtutol ng mga bansa at organisasyong pandaigdig na gaya ng Tsina, Timog Korea, Rusya, Pilipinas, Konseho sa Karapatang Pantao ng United Nations, mga NGOs sa pangangalaga sa kapaligiran, at iba pa.
Sa katotohanan, bukod sa pagtatapon ng wastewater sa dagat, pinag-aralan din ng pamahalaang Hapones ang ilang pang paraan. Halimbawa, ibuga ang tubig sa malalim na hinukay na lupa, ilagay ang tubig sa mga cement container at ibaon ang mga container sa lupa, gawing gasolina ang tubig at ibuga sa langit, at gawin ang marami pang container para lagyan ng tubig.
Sa bandang huli, pinili ng pamahalaang Hapones ang paraan ng pagtatapon ng wastewater sa dagat. Ito ay paraang pinakamababa ang gugulin, pero pinakamalaki ang potensyal na panganib.
Gusto kong iharap ang isang tanong sa pamahalaang Hapones. Ang paggawa nito ng naturang kapasiyahan ay mukhang responsable sa sarili, pero responsable ba ito sa iba?
Bilang pagtatapos ng video na ito, sisipiin ko ang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque tungkol sa isyung ito. Kahit maikli ang pahayag, malinaw at matibay ang posisyon. Tingnan natin ang video clip ng pahayag na ito.
Anchor/Cameraman/Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos
Photo and video courtesy: RTVM, CGTN