Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, Abril 18, 2021, 11 ang naitalang bagong kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 sa Chinese mainland, at lahat ng mga ito ay galing sa ibang bansa.
Sa kabilang dako, 1 ang bagong pinaghihinalang kaso, at ito ay galing din sa labas ng bansa.
Hanggang magha-hating gabi ng Abril 18, 2021, 315 ang kabuuang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso sa Chinese mainland, at 4,636 ang bilang ng mga pumanaw.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio