Komprehensibo’t estratehikong partnership ng Tsina at Saudi Arabia, isusulong

2021-04-21 10:35:32  CMG
Share with:

Komprehensibo’t estratehikong partnership ng Tsina at Saudi Arabia, isusulong_fororder_20210421Saudi550

Sa pag-uusap sa telepono nitong Martes, Abril 20, 2021 nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Mohammed bin Salman, Crown Prince ng Saudi Arabia, tinukoy ni Xi na ang Tsina at Saudi Arabia ay hindi lamang komprehensibo’t estratehikong magkapartner, kundi mahalaga ring kooperatibong magkatuwang.

 

Sinabi ni Xi na estratehiko at may pangmalayuang pananaw ang paraan ng pinakikitungo ng Tsina sa relasyon sa Saudi Arabia.

 

Iginagalang ng Tsina ang soberanya at landas ng pag-unlad ng Saudi Arabia, dagdag pa ni Xi.

 

Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap kasama ng Saudi Arabia para maitayo ang kayariang pangkooperasyon sa mga larangang gaya ng enerhiya, kabuhayan at kalakalan, at high-tech, palalimin ang pagkokoordinahan at pagtutulungan sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig, at lalo pang pasulungin ang komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang bansa.

 

Ipinaabot naman ni Mohammed bin Salman kay Xi ang taos-pusong pangungumusta at mabuting pagbati ni Salman bin Abdulaziz Al Saud, Hari ng Saudi Arabia.

 

Ipinahayag ni Mohammed bin Salman ang kahandaan ng kanyang bansa na palalimin ang pakikipagkaibigan at pakikipagitiwalaan sa Tsina; palakasin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa mga larangang tulad ng enerhiya, kabuhayan at kalakalan; at pasusulungin ang estratehikong pag-uugnayan ng “Vision 2030” at “Belt and Road” Initiative upang ibayo pang mapataas ang komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang bansa.

 

Ipinahayag din niya ang matatag na suporta sa lehitimong posisyon ng Tsina sa mga isyung may kaugnayan sa nukleong kapakanan nito.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method