Sa paanyaya ni Pangulong Joe Biden ng Amerika, dumalo at nagtalumpati kahapon Abril 22, 2021, sa pamamagitan ng video link, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Leaders Summit on Climate.
Kaugnay nito, ipinahayag kagabi ni Ma Zhaoxu, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang talumpati ni Xi ay nagbigay ng bagong starting point o simula ng pagsasagawa ng Tsina ng ideya ng pagtatatag ng komunidad para sa kapuwang sangkatauhan at kalikasan, at pagpapasulong ng pagsasa-ayos ng buong mundo.
Samantala, bago ang Leaders Summit on Climate, narating na ng Tsina at Amerika ang Magkasanib na Pahayag sa harap ng Krisis ng Klima. Ipinalalagay ng ilang komentaryo na ito ay nagpakita ng labanan ng Tsina at Amerika sa dominasyon at impluwensiya sa larangan ng klima.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Ma na ang pagharap sa krisis ng klima ay hindi kagamitan ng geopolitics.
Nakahanda ang Tsina na batay sa paggagalangan sa isa’t isa, palalakasin ang pakikipagkooperasyon sa Amerika sa isyu ng pagbabago ng klima, at patitingkarin ang positibong papel para sa malusog at matatag na relasyong Sino-Amerikano.
Salin:Sarah
Pulido:Mac