Inilabas sa Mataas na Porum ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) na idinaos Abril 24, 2021, sa lunsod Qingdao, lalawigang Shandong ng Tsina ang “Qingdao Initiative.”
Ito ay magkasanib na inisyatiba hinggil sa magkakasamang pagpapasulong ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng RCEP.
Ayon sa inisyatiba, mahigpit na pag-uugnayin ang RCEP at pag-unlad ng iba’t ibang miyembro nito, at itatatag ang malinaw at bukas na multilateral na sistemang pangkalakalan.
Bukod dito, nanawagan ang inisyatiba na aktibong itatag ng iba’t ibang bansa ang plataporma ng serbisyo ng RCEP para matulungan ang mga kompanya na lalo pang palawakin ang pamilihan sa mga bansa ng RCEP.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio