Nitong Martes ng umaga, Abril 27, 2021, nagpunta si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Anthropology Museum ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi para alamin ang kasaysayan, kultura, at kaugalian ng lahing Zhuang ng bansa.
Sa labas ng museo ginanap ang mga aktibidad sa pangunguna ng mga mamamayan ng iba’t-ibang etnikong grupo ng bansa.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Xi na nitong ilang taong nakalipas, napakalaking progreso ang natamo ng Guangxi, maalwang natapos ang misyon pagbabawas ng karalitaan, at mahigit 6.3 milyong populasyon doon ang nai-ahon mula sa karalitaan.
Nanawagan din siya sa mga mamamayan na patuloy na magsikap upang matamo ang mga bagong progreso ng mga susunod na hangarin.
Salin: Lito
Pulido: Mac