Ayon sa datos na inilabas ng Ministri ng Kalusugan ng Malaysia, hanggang Abril 28, 2021, lumampas ng 400,000 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa bansang ito.
Samanatala, umabot sa 1,477 ang bilang ng mga pumanaw.
Palaging lampas sa 2,000 ang bilang ng bagong kumpirmadong kaso kada araw sa Malaysia, sapul noong paluwagin ang hakbangin ng pagkontrol sa COVID-19 noong Abril 15, 2021.
Salin:Sarah
Pulido:Mac