Idinaos Abril 29, 2021, sa Yanqing district ng Beijing, ang aktibidad na nag-pokus sa 2022 Beijing Winter Olympic Games na nilahukan nina Li Hui, Espesyal na Kinatawan ng Tsina sa mga suliraning Europa at Asya, Cui Li, Pangalawang Tagapangulo ng Komisyon ng Pagkakaibigan ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), Vladimir Norov, Pangkalahatang Kalihim ng SCO, Embahador ng Tajikistan, Embahador ng Belarus ng Tsina, at ibang mga 40 sugo mula sa 8 miyembro ng SCO, nagmamasid ng bansa, at partner agencies.
Mataas na pinahahalaghan ng mga kalahok ang katuturan ng 2022 Beijing Winter Olympic Games para sa Olympiyada. Ipinalalagay nila na ang 2022 Beijing Olympic Games ay tiyak na magiging modelo ng mataas na lebel sa iba’t ibang larangan.
Lubos ang kompiyansa ng mga kalahok sa matagumpay na pagdaraos ng 2022 Beijing Winter Olympic Games.
Salin:Sarah
Pulido:Mac