Tsina, hinangaan ang pagpapahalaga ng lider ng New Zealand sa relasyon sa Tsina at paggigiit sa patakarang isang Tsina

2021-05-07 16:09:46  CMG
Share with:

Kaugnay ng pahayag kamakailan ng lider ng New Zealand hinggil sa pagpapahalaga sa pagpapaunlad ng relasyon sa Tsina at paggigiit sa patakarang Isang Tsina, inihayag nitong Huwebes, Mayo 6, 2021 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina ang paghanga ng panig Tsino.
 

Tinukoy ni Wang na walang balak ang Tsina na isagawa ang sistematikong kompetisyon at konprontasyong ideolohikal sa mga bansang kanluranin. Aniya, hinding hindi gagawing kabayaran ng pag-unlad ng Tsina ang pagsasakripisyo ng kapakanan ng ibang bansa, sa halip, ipagkakaloob nito ang napakalaking pagkakataong pangkaunlaran sa iba’t ibang bansa ng daigdig.
 

Dagdag niya, sa mula’t mula pa’y iginigiit ng panig Tsino ang nagsasarili, may inisyatiba at mapayapang patakarang diplomatiko, buong tatag na ipinagtatanggol ang pandaigdigang batas at pundamental na norma ng relasyong pandaigdig, pinangangalagaan ang katwiran at katarungan ng daigdig, at buong sikap na pinapasulong ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
 

Nakahanda aniya ang Tsina na palakasin, kasama ng iba’t ibang bansang kinabibilangan ng New Zealand, ang kooperasyon, para gumawa ng konstruktibong papel sa kapayapaan at kaunlaran ng mundo.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method