Tsina at UN: Isasagawa ang mas mahigpit na kooperasyon sa iba’t ibang larangan

2021-05-07 15:46:59  CMG
Share with:

Nag-usap sa telepono kahapon, Mayo 6, 2021, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations (UN).

 

Sa pag-uusap, tinukoy ni Xi na patuloy na susuportahan ng Tsina ang UN para mapangalagaan ang tunay na multilateralismo.

 

Binigyan-diin niya na ang pagharap sa pagbabago ng klima ay mahalagang pangyayari sa buong mundo, at magsisikap hangga’t maaari ang Tsina para ibigay ang ambag para rito.

 

Ipinahayag din ni Xi na patuloy na isinasagawa ng Tsina ang South-South Cooperation para ipagkaloob ang tulong sa mga umuunlad na bansa.

 

Tinukoy din ni Xi na ang 2021 ay Ika-100 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at ito rin ang Ika-50 Anibersaryo ng pagpapanumbalik ng Tsina ng legal na luklukan sa UN. Nakahanda ang Tsina na patuloy na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa UN para isakatuparan ang 2030 Agenda for Sustainable Development.

 

Samanatala, ipinahayag ni Guterres na napakahalaga ng Tsina sa multilateral na sistemang pandaigdig. Inaasahan ng UN na mas mahigpit na makikipagtulungan sa Tsina para sa kapayapaan at kaligtasan ng daigdig, pangangalaga sa biodiversity at iba pang larangan.

Tsina at UN: Isasagawa ang mas mahigpit na kooperasyon sa iba’t ibang larangan_fororder_pangulongxi02

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method