Sa pamamagitan ng Long March-2C carrier rocket, matagumpay na inilunsad Mayo 7, 02:11H, Beijing Time, sa Xichang Satellite Launch Centre, ang isang grupo ng remote sensing satellites ng Yaogan-30 family sa itinakdang orbita.
Ang misyon ng naturang satellite ay deteksyon ng kapaligiran ng electromagnetic environment at pagsubok ng kinauukulang teknolohiya.
Kasabay ng satellite ng Yaogan-30, inihatid din ang satellite ng Tianqi constellation, na naglalayong ipagkaloob ang serbisyo ng pangongolekta at transmisyon ng data.
Ang misyong ito ay ika-369 na flight ng Long March carrier rocket.
Salin:Sarah
Pulido:Mac