Ipinahayag nitong Sabado sa social media ni Ministrong Panlabas Mohammad Javad Zarif ng Iran na ang kasalukuyang krisis nuklear ay idinulot ng unilateral na pagtalikod ng nagdaang pamahalaang Amerikano sa komprehensibong kasunduan sa isyung nuklear ng Iran 3 taon na ang nakararaan.
Sinabi niya na dapat gumawa ng hustong pagpili ang kasalukuyang pamahalaan ng Amerika tungkol dito.
Aniya pa, dapat pag-isipang mabuti ng pamahalaan ni Biden kung patuloy nitong lalabagin o tutupdin ang regulasyon.
Salin: Lito
Pulido: Rhio