Binuksan ngayong umaga, sa Shanghai, ang 3 araw na “China Brand Day” na nagpopokus sa “Dual Circulation at New Consumption.”
Sa panahon ng aktibidad, itatanghal ang mga klasikong tatak na Tsino may mahabang kasaysayan, at modernong bagong tatak na Tsino sa larangan ng industriyang panteknolohiya.
Idinaraos kada Mayo 10 kada taon, ang “China Brand Day” na sinimulan noong 2017, at dahil dito, nitong 5 taong nakalipas, kitang-kitang nagiging mas malakas ang impluwensiya ng mga sariling tatak ng Tsina sa loob at labas ng bansa.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio