Ipinalabas kamakailan ng Sweden-based Transnational Foundation for Peace and Future Research (TFF) ang isang espesyal na ulat na pinamagatang “The Xinjiang Genocide Determination As Agenda” kung saan naibunyag ang pagpilipit sa katotohanan ng Amerika at mga bansang Kanluranin tungkol sa umano’y “genocide” sa Xinjiang.
Bukod dito, inilathala ng Counterpunch, isang Amerikanong indipendiyenteng website, ang artikulong pinamagatang “Reflections on Genocide as the Ultimate Crime” kung saan tinukoy na ang akusasyong niluto ng Amerika tungkol sa “genocide” sa Xinjiang ay nagmula lamang sa ideological posturing nito, at walang anumang ebidensya.
Hinggil dito, ipinahayag Lunes, Mayo 10, 2021 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nitong ilang araw na nakalipas, lumalabas ang patuloy na dumaraming obdiyektibo at makatuwirang tinig tungkol sa Xinjiang.
Ipinakikita nitong sa bandang wakas, lalabas din aniya ang katarungan.
Salin: Lito
Pulido: Rhio