Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, hanggang magha-hatinggabi ng Mayo 12, 2021, 9 ang naiulat na bilang ng bagong kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland, at ang lahat ay galing sa ibang bansa.
Samantala, hanggang Mayo 12, 2021, 291 ang bilang ng mga umiiral na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland, at 4,636 ang bilang ng mga pumanaw.
Salin:Sarah
Pulido:Mac Ramos