Freight train ng China Railway Express, dumating na ng Xi'an mula Uzbekistan

2021-05-14 16:51:49  CMG
Share with:

Dumating Mayo 13, 2021, sa istasyon ng Xi'an ang Chang'an freight train ng China Raliway Express na nagbyahe mula Uzbekistan.

 

Nangangahulugan itong balik-normal na ang operasyon ng tren ng China Railway Express mula sa Gitnang Asya, at aktibong pag-unlad ng tsanel ng transportasyon sa pagitan ng Tsina at mga bansa ng Gitnang Asya, Timog Asya at Kanluraning Asya.

 

Mayo 3, 2021 umalis ang naturang tren sa Tashkent, kabisera ng Uzbekistan.

 

Samantala ayon sa plano, magkakaroon ang Xi'an International Trade & Logistics Park ng 3 byahe ng tren bawat linggo para makatugon sa kahilingan ng publiko.

Freight train ng China Railway Express, dumating na ng Xi’an mula Uzbekistan_fororder_chinaralwayexpress

Salin:Sarah

Pulido:Mac Ramos

Please select the login method