MGA KABATAANG TSINO - Ang Lalaking Nars na si Lu Zupi

2021-05-14 17:50:21  CMG
Share with:

 

Siya si Lu Zupi, nars sa seksyon ng nakakahawang sakit sa isang ospital sa Hechi, lunsod sa Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi sa timog kanlurang Tsina.

 

Ayon kay Lu, bilang nag-iisang lalaking nars sa kanyang seksyon, kusang-loob niyang isinasabalikat ang mga pisikal na trabaho, at kasabay nito, kasing-ingat at kasingtiyaga rin siya ng mga babaeng nars.

 

May isang nakakatuwang anak na babae si Lu, at ipinanganak siya isang buwan lamang bago maganap ang epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa lunsod ng Wuhan.

 

Bagama't bagong silang ang kanyang anak, sumama pa rin si Lu sa grupong medikal na pumunta para tumulong sa Wuhan.

 

Sabi ni Lu, sa kanyang 35-araw na pagtatrabaho roon, pagod na pagod siya dahil sa napakaraming trabaho, at natakot din siyang mahawa sa COVID-19.

 

Pero aniya, ito ang pinaka-natatanging karanasan ng kaniyang karera bilang nars, at ipinagmamalaki niya ang pagiging nars sa panahong pinaka-kinakailangan siya ng mga may-sakit.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos
Narrator: Sarah Tian

Please select the login method