MGA KABATAANG TSINO - Ang Tagagawa ng Pelikulang Cartoon na si Han Le

2021-05-18 18:53:05  CMG
Share with:

 

Ang 26 taong gulang na si Han Le ay isang tagagawa ng pelikulang cartoon.

 

Noong makuha niya ang trabahong ito, mahigit limang taon ang nakararaan, hindi pa maunlad ang industriya ng pelikulang cartoon sa Tsina.

 

Sa panahong iyon, hindi rin moderno ang paggawa ng pelikulang cartoon sa kapwa aspekto ng nilalaman at teknolohiya.

 

Dagdag pa riyan, kakaunti lamang ang mga manonood sa mga ganitong uri ng pelikula.

 

Kasabay ng pag-unlad ng kasanayan ni Han Le sa paggawa ng cartoon nitong ilang taong nakalipas, ang paglago rin ng industriya ng pelikulang cartoon at pagdami ng mga manonood na Tsino.

 

Noong unang dako ng taong ito, halos 400 milyong yuan RMB ang kinita ng isang pelikulang cartoon kung saan inilaan ni Han Le ang kanyang talento.

 

Tuwang-tuwa si Han Le, at determinado siyang gawin ang lalo pang maraming de-kalidad na pelikulang cartoon para sa mga manonood.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan
Narrator: Sarah Tian

Please select the login method