Mga museo ng Tsina, palalakasin ang kooperasyong pandaigdig sa post-pandemic era

2021-05-18 14:45:30  CMG
Share with:

Ngayong araw, Mayo 18, 2021 ay International Museum Day (IMD). Ang tema sa kasalukuyang taon ay “The Future of Museums – Recover and Reimagine.”
 

Ayon sa kaukulang namamahalang tauhan ng State Cultural Relics Bureau ng Tsina, sa post-pandemic era, palalakasin ng mga museong Tsino ang kooperasyong pandaigdig, para harapin, kasama ng mga museo sa buong mundo, ang iba’t ibang hamon.

Mga museo ng Tsina, palalakasin ang kooperasyong pandaigdig sa post-pandemic era_fororder_20210518museo

Beijing Capital Museum
 

Ayon sa pinakahuling ulat ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization o UNESCO, sa ilalim ng matinding pagsubok ng pandemiya noong isang taon, 150 araw sa karaniwan nakasara ang mga museo sa buong daigdig, at nabawasan ng 40% hanggang 60% ang revenue ng mga ito.
 

Batay naman sa dalawang ulat ng pananaliksik ng UNESCO at International Council of Museums (ICOM), sanhi ng epekto ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), sarado sa magkakaibang oras ang halos 90% museo ng daigdig.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method