Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, Mayo 17, 2021, 22 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland.
Sa mga ito, 18 kaso ay galing sa labas ng bansa, at 4 na kaso ay naiulat sa lalawigang Liaoning.
Bukod dito, 1 ang bagong naitalang pinaghihinalaang kaso ng COVID-19, na galing sa labas ng Tsina.
Hanggang magha-hati gabi ng Mayo 17, 2021, 295 ang bilang ng mga umiiral na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland, at 4,636 ang bilang ng mga pumanaw.
Salin:Sarah
Pulido:Mac Ramos