Pangulong Tsino, bumati sa ika-19 na anibersaryo ng kasarinlan ng Timor-Leste

2021-05-21 09:54:04  CMG
Share with:

Isang mensahe ang  ipinadala nitong Mayo 20, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Guterres Lu-Olo, Pangulo ng Timor-Leste bilang pagbati sa ika-19 na anibersaryo ng kasarinlan ng Timor-Leste.

 

Sa mensahe, tinukoy ni Xi na mapagkaibigang magkapitbansa ang Tsina at Timor-Leste. Nakahanda aniya siyang magsikap kasama ni Guterres Lu-Olo para mapalakas ang tradisyonal na pagkakaibigan, mapalalim ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa sa iba’t-ibang larangan, at makapagbigay ng benepisyo sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method