Yuan Longping, "Ama ng hybrid rice," yumao sa edad na 91

2021-05-22 16:04:14  CMG
Share with:

Yuan Longping, "Ama ng hybrid rice," yumao sa edad na 91_fororder_20210522ylp

 

Yumao dahil sa sakit, sa edad na 91, ngayong araw, Mayo 22, 2021, si Yuan Longping, siyentistang Tsinong kilalang-kilala sa pagdedebelop ng unang hybrid rice strain, na nag-ahon sa di mabilang na mga tao mula sa gutom.

 

Nagsaliksik at nagdebelop si Yuan ng hybrid rice nitong mahigit 5 dekadang nakalipas. Noong 1973, nagtagumpay siya sa paglinang ng unang hybrid rice strain sa daigdig na may masaganang ani.

 

Hanggang noong unang dako ng taong ito, isinagawa pa rin niya ang pananaliksik sa isang base ng paglinang ng binhi sa Hainan sa katimugan ng Tsina.

 

Ipinakikita rin ng mga datos, na hanggang sa kasalukuyan, itinatanim ang hybrid rice sa mahigit 16 na milyong hektaryang bukirin sa Tsina, na tumutulong sa pagpapakain ng karagdagang 80 milyong tao bawat taon. Lumampas naman sa 8 milyong hektarya ang taniman ng hybrid rice sa ibang mga bansang kinabibilangan ng Pilipinas.

 

Si Yuan ay miyembro ng Chinese Academy of Engineering. Ginarawan siya ng Medalya ng Republika, pinakamataas na karangalan sa Tsina, at mga kilala ring gantimpala sa daigdig na gaya ng Wolf Prize in Agriculture at World Food Prize. Siya rin ay tinaguriang "Ama ng hybrid rice" sa Tsina.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method