Yuan Longping, "Ama ng hybrid rice," sumakabilang-buhay

2021-05-23 13:49:17  CMG
Share with:

Yuan Longping, "Ama ng hybrid rice," sumakabilang-buhay_fororder_20210523YuanLongping450

Dahil sa sakit, pumanaw sa edad 91 anyos, nitong Mayo 22, 2021, si Yuan Longping, siyentistang Tsinong kilalang-kilala sa pagdedebelop ng unang hybrid rice strain, na nag-ahon sa di mabilang na mga tao mula sa gutom.

Sa pamamagitan ng pananaliksik, nagtagumpay si Yuan sa paglinang ng unang hybrid rice strain sa daigdig na may masaganang ani noong 1973.

Sa kasalukuyan, malawakang itinatanim ang hybrid rice strain na idinibelop ni Yuan sa mga bansang gaya ng Pilipinas, India, Bangladesh, Indonesia, Biyetnam, Amerika, at Brazil.

Sa kanyang paglahok sa taunang international rice academic conference na ginanap sa Manila noong 1982, si Yuan Longping ay tinagurian bilang "Ama ng hybrid rice."

Kaugnay nito, sinabi ng isang iskolar na Amerikano na pinawi ni Yuan Longping ang banta mula sa gutom, at binibigyang-patnubay ang buong sangkatauhan patungo sa isang daigdig na may sapat na pagkain.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method