MGA KABATAANG TSINO - Ang Manunugtog ng Sanxian na si Wang Yu

2021-05-27 07:33:40  CMG
Share with:

 

Tradisyonal na instrumento ng Tsina, tinutugtog ng musikero sa modernong paraan

 

Nakatira sa tradisyunal na si he yuan o courtyard houses, ang 32 taong gulang na taga-Beijing na si Wang Yu ay manunugtog ng "sanxian," tradisyonal na plucked instrument ng Tsina na may tatlong bagting.

 

Si Wang Yu ay ikatlong henerasyon sa kanyang angkan na tumutugtog ng sanxian. Ang kanyang lolo, ama, at tiyo ay pawang mga manunugtog ng instrumentong ito. Siya mismo ay propesyonal na manunugtog sa China Broadcasting Performing Art Troupe.

 

Laging sinusubok ni Wang Yu na tugtugin ang sanxian sa pamamagitan ng modernong paraan, para mahilig sa tradisyonal na instrumentong ito ang mas maraming tao, lalung-lalo na ang mas nakababatang henerasyon.

 

Nagbigay siya ng talento sa paggawa ng electric sanxian, para magkaroon ng mas maraming estilo ang pagtutugtog ng instrumentong ito.

 

Sa mga kamay ni Wang Yu, ang tradisyonal na sanxian ay parang bagong instrumento kung saan pinaghahalo ang sinauna at makabagong elemento.

 

Bagong henerasyon, bagong sanxian. Ito ang kuwento tungkol kay Wang Yu at kanyang sanxian.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan
Narrator: Sarah Tian

Please select the login method