Mga Salawikaing Klasiko sa Makabagong Panahon - Episode 1

2021-06-01 11:22:28  CMG
Share with:

 

Hello po, mga kaibigang Pinoy. Ito si Frank ng Serbisyo Filipino ng China Media Group, at welcome sa aming video feature na pinamagatang "Mga Salawikaing Klasiko sa Makabagong Panahon." Sa palatuntunang ito, isasalaysay ko sa inyo ang mga salawikaing klasiko noong sinaunang panahon sa Tsina, at kung papaano naging inspirasyon ang mga ito sa kasalukuyan. 

 

"Yan bi xin, xing bi guo," ay isang laganap na kasabihan ni Confucius, kilalang pilosopo ng Tsina na namuhay mahigit 2,000 taon ang nakararaan. Nangangahulugan itong "dapat tupdin ng tao ang kanyang mga pangako, at dapat magtika rin siya sa mga aksyon."

 

Madalas na sinipi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kasabihang ito. Binigyang-diin din niyang, dapat tupdin ng mga Tsino ang mga pangako sa pamamagitan ng mga determinadong aksyon.

 

Ang ideyang ito ay naging patnubay sa iba't ibang aspekto ng Tsina, at isang halimbawa ay pagpapatupad ng mga plano ng pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan. Kaugnay nito, panoorin natin ang panayam ni Zou Yue, mamamahayag ng China Global Television Network (CGTN), kay Laurence Brahm, kilalang dalubhasang Amerikano sa ekonomiyang pampulitika, at tingnan kung anu-ano ang masasabi nila tungkol sa pagtatakda ng Tsina ng mga plano at pagpapatupad ng mga ito.

 

Noong unang dako ng taong 2021, opisyal na inilabas ng Tsina ang Ika-14 na Panlimahang Taong Plano para sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan mula 2021 hanggang 2025, at gawing priyoridad ng plano ang mga mamamayan.

 

Binigyang-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na dapat pahalagahan ang mga target sa naturang plano bilang mga pangako sa mga mamamayan, at gawin ang pinakamalaking pagsisikap para isakatuparan ang mga target na ito.

 

Editor/Anchor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos
Video courtesy: CGTN

Please select the login method