MGA KABATAANG TSINO - Sign Language Interpreter

2021-06-01 22:37:39  CMG
Share with:

 

Pagmamahal at pag-asa ng tahimik na mundo, ibinabahagi ng isang sign language interpreter

 

Ang bida ng video na ito ay si Jing Xiaodi, isang sign language interpreter. Sa pamamagitan ng espesyal na wikang ito, ibinabahagi niya ang pagmamahal at pag-asa ng isang mundong tahimik.

 

Si Jing ay nagtatrabaho sa China Disabled People's Performing Art Troupe, at tumutulong siya sa komunikasyon sa pagitan ng mga art director at mga miyembrong may kapansanan sa pandinig. Siya ay ang tainga at bibig ng mga may-kapansanan.

 

Ang sayaw na tinaguriang "Buddha na may Sanlibong Braso" ay isa sa mga programa ng naturang grupong pansining na kilalang-kilala sa Tsina. Mahirap at matagal ang pagsasanay para sa sayaw na ito, at lumahok si Jing sa buong proseso.

 

Aniya, ang pinakamalaking hamon ay maiparamdam sa mga mananayaw ang ritmo ng saliw, para sabay-sabay silang kumilos. Pero, sa tulong ng sign language interpreter, ginawa nila ito, at naitatanghal ang kagilas-gilas na sayaw.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan
Narrator: Sarah Tian

Please select the login method