Guiyang, Lalawigang Guizhou ng Tsina—Sa pangungulo ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ginanap nitong Huwebes, Hunyo 3, 2021 ang virtual dialogue ng mga ministrong panlabas ng Tsina, Afghanistan at Paksitan.
Isang serye ng bagong komong palagay ang narating ng mga ministro sa mga paksang kinabibilangan ng proseso ng mapayapang rekonsilyasyon ng Afghansitan at kooperasyon ng nasabing tatlong panig.
Ipinagdiinan ng tatlong panig na dapat totoong pasulungin ang proseso ng mapayapang rekonsilyasyon ng Afghanistan, itigil ang putukan sa lalong madaling panahon, at bigyang-wakas ang karahasan.
Inulit nila ang magkakasamang pagbibigay-dagok sa lahat ng porma ng terorismo, pagtutol sa “double standard” sa paglaban sa terorismo, at pagpapalakas ng magkakasanib na pagbibigay-dagok sa mga terorisitikong puwersa na gaya ng “Eastern Turkistan Islamic Movement” (ETIM).
Sang-ayon din silang palakasin ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), pamumuhay ng mga mamamayan, at people-to-people exchanges, substantibong ekspansyon ng kooperasyon sa Belt and Road sa Afghanistan, at paghahatid ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng rehiyon.
Salin: Vera
Pulido: Rhio