Sinabi kahapon, Hunyo 4, 2021, ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na kailangang tularan ng Amerika ang siyentipiko at kooperatibong atityud ng Tsina, at anyayahan ang mga dalubhasa ng World Health Organization sa Amerika, para isagawa ang pananaliksik tungkol sa pinagmulan ng coronavirus.
Tinukoy ni Wang, na may naiulat na mga kaso ng COVID-19 na naganap noong ikalawang hati ng taong 2019 sa maraming lugar ng daigdig. Aniya, ang komprehensibong pag-aaral sa mga kasong ito ay makakatulong sa paglaban sa kasalukuyang pandemiya at mas mabuting pagharap sa mga pangkagipitang pangyayari ng kalusugang pampubliko sa hinaharap.
Samantala, hinimok din ni Wang ang Amerika, na bigyang-liwanag ang tungkol sa mahigit 200 laboratoryong biolohikal nito sa buong daigdig, na kinabibilangan ng isang laboratory sa Fort Detrick.
Editor: Liu Kai