Guiyang, probinsyang Guizhou ng Tsina — Magkasamang nangulo nitong Sabado, Hunyo 5, 2021 sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Luhut Binsar Pandjaitan, Espesyal na Sugo ng Pangulong Indones at Tagapagkoordina sa Pakikipagkooperasyon sa Tsina, sa unang pulong ng mekanismong pangkooperasyon ng diyalogong Sino-Indones sa mataas na antas kung saan narating nila ang mga mahalagang komong palagay.
Ipinahayag ng kapwa panig na ayon sa diwa ng pag-uusap sa telepono ng mga lider ng dalawang bansa, palalakasin ang pagtitiwalaang pulitikal, palalalimin ang estratehikong pagsasanggunian, at magkasamang pasusulungin ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan; patuloy na palalalimin ng kapwa panig ang kooperasyon sa pag-aaral, produksyon, at pagbabahaginan ng bakuna para tulungan ang Indonesia sa pagkakaroon ng rehiyonal na sentro ng pagpoprodyus ng bakuna; kinakatigan ng kapwa panig ang paglibre ng karapatan ng pagmamay-ari ng likhang-isip (IPR) ng bakuna, at kakatigan ang pagbabakuna ng mga mamamayan ng isa’t-isa sa kani-kanilang bansa; palalalimin ng kapwa panig ang koneksyon ng inisyatiba ng “Belt and Road” at ideyang “Global Maritime Nexus,” at igagarantiya ang pagtatapos ng Jakarta-Bandung High-speed Railway sa nakatakdang panahon; palalawakin ng dalawang panig ang kanilang kooperasyong pandagat, at komprehsibong pasisimulan ang kooperasyon sa industriya ng pangingisda; pabibilisin ng dalawang panig ang pagsasanggunian ng Code of Conduct (COC) sa South China Sea para maging pangunahing tunguhin ang kooperasyon sa situwasyon ng karagatang ito; palalakasin ng dalawang panig ang kooperasyon sa bokasyonal na edukasyon, at isasagawa ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng pagsasanay ng mga atleta, at media para ibayo pang makapaglatag ng pundasyon sa pag-unlad ng relasyong Sino-Indones.
Pagkatapos ng pulong, magkasanib na lumagda sina Wang at Luhut sa “Memorandum of Understanding ng Tsina at Indonesia Tungkol sa Pagtatatag ng Mekanismong Pangkooperasyon ng Diyalogong Sino-Indones sa Mataas na Antas” at “Memorandum of Understanding ng Tsina at Indonesia Tungkol sa Pagpapalakas ng Kooperasyong Pandagat.”
Ipinahayag ni Wang Yi na buong pagkakaisang sinang-ayunan ng kapwa panig na samantalahin ang nasabing mekanismo para mapasulong ang relasyon ng dalawang bansa sa post-pandemic era at makapagbigay ng mas malaking benepisyo sa kanilang mga mamamayan.
Salin: Lito